Isang batang dalawang taong gulang ang pinagtulungang pinagkakagat ng tatlong aso kahapon March 09, 2024 sa Brgy. Timbangan, Calbiga, Samar.
Ayon sa isang post ng isang concerned citizen na si Marvin Villanueva isang batang babae ang kalunos-lunos ang sinapit dahil pinagtulungan pagkagat-kagatin sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ng tatlong aso sa Brgy. Timbangan, Calbiga Samar. Siya si Sheila Mae Cinco, dalawang taong gulang. Ayon sa facebook post ni Marvin na kalunos-lunos ang sinapit ng bata sa tatlong aso, dahil pinagtulungan nila itong pagkagat-kagatin sa iba’t-ibang bahagi ng katawan. Nakakapanlumo ang sinapit ng bata dahil 90% ng katawan nito ay may kagat at ang masaklap pa nito natanggal ang dalawang tainga at nilapa ng mga aso pati puwet ng bata.
Kasalukuyang ginagamot ang bata sa Samar Provincial Hospital. Nanawagan naman ang pamilya nito ng tulong financial. Kung sino po ang mga gustong tumulong puwede niyo naman po puntahan personally sa mismong hospital sa Samar Provincial. Hinihiling ko din po na isama din po natin sa ating mga panalangin na maging ligtas ang bata sa kanyang kondisyon ngayon.
Sa mga may alaga ng aso sana po ay maging responsable sana tayo sa ating mga alaga. Huwag po nating hayaang pakalat-kalat sa labas ng bahay para hindi po makakagat. Sa mga magulang din po ay sana lagi po sana nating gabayan at tutukan ang ating mga anak para hindi na maulit ang ganitong sitwasyon.